Tuesday, July 29, 2008

State of the Nation Address (SONA)

Ginanap kahapon sa Batasang Pambansa ang ika-8 State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na tumagal ng isang oras. Inihayag niya sa Kamara at sa sambayanang Pilipino ang mga nagawa ng kanyang pamahalaan nitong nakaraang taon at ang mga balak pang gawin sa nalalabi pa niyang dalawang taon sa panunungkulan. Nakakataba ng pusong marinig na mahal niya ang mamamayang Pilipino lalo na ang mga mahihirap. Nagmistula siyang isang butihing ina sa pag-ako ng responsibilidad sa kanyang nasasakupan. Ang talumpati niya ay nasisingitan ng panaka-nakang palakpakan mula sa mga dumalo sa plenary hall. Ang pinakamalakas na palakpakan ay nuong sabihin niya na ang texting ay way of life na ng mga Pinoy at nakumbinsi niya ang telecommunications networks na ibaba sa 50 sentimo ang bawa’t text (nguni’t ayon naman sa mga networks ang promo nila ay tatagal lang hanggang Oktubre 2008). May mga tao pang tinawag ang Pangulo mula sa galeriya na magpapatunay na sila’y nakinabang o umasenso dahil sa mga programa ng administrasyon. Binigyang diin ni Pangulong Arroyo ang kahalagahan ng VAT dahil ito ang nagiging pantustos sa mga gastusin ng gobyerno. Ipinangako rin niya na tuloy ang laban sa korupsyon sa lahat ng sangay ng pamahalaan. Marami siyang tinalakay sa mahaba niyang isang oras na pagsasalita pero dalawang paksa lamang ang nais kong bigyan ng malaking pansin. Ang una rito ay ang VAT. Tila baga wala ng pamamaraan para makalikom ng salapi upang ipangtustos sa mga gastusin ng pamahalaan kundi ang pagpataw ng sari-saring buwis. Ano na ang kinahinatnan ng ating mga likas yaman na iniluluwas sa ibang bansa? Hindi ba sapat ang kikitain dito upang malimitahan ang iba’t ibang uri ng buwis? Hindi nga dahil mas malaki pa ang ipinapasok na dolyar sa bansa ng mga Pilipinong naghahanapbuhay sa ibang bansa. Salamat sa mga OFWs at kahit papaano ay medyo naiangat nila ang kabuhayan ng marami-rami ring pamilyang Pilipino. At least nakasisiguro na sila ng pagkain sa mesa tatlong ulit sa isang araw. Nguni’t matindi naman ang kapalit ng mawalay sa isang pamilya at ito’y nangangailangan ng mabigat na sakripisyo. Ang pangalawa ay ang pagsugpo o paglaban sa korupsyon. Sa aking palagay ay wala ring kahahantungan ito hangga’t selective ang pagparusa sa mga naaakusahan. Minsa nga’y naiisip ko na i-legalize na ang korupsyon. Magtalaga ng maximum na 10% na komisyon sa lahat ng proyekto ng gobyerno na paghahatian ng lahat mula sa dyanitor hanggang hepe ng ahensya—sa ganitong paraan, everybody happy di ba? Talamak talaga ang korupsyon. Laking gulat ko nga ng mapanoon ko sa telebisyon ang isang dokumentaryo tungkol sa pangingidnap ng bandidong abu sayaf kasama ang isang mag-asawang Amerikano. Nagbigay ng ransom money na kapalit sana ng paglaya ng mag-asawa nguni’t sa kasawiang palad ang halagang nakarating sa abu sayaf ay bawas na at naibulsa ng mga taong gobyerno. Kahiya-hiya talaga ito isipin pa natin na naipalabas din ito sa buong mundo.

Waring hindi ko narinig na tinalakay ni Pangulong Arroyo ang situwasyon sa Mindanao o baka nawaglit lang sa aking pandinig dahil sa pagpunta ko sa banyo dahil sa haba ng kanyang talumpati ay di ko na talaga napigilan ang pag-weewee. Matagal na matagal na issue na itong kapayapaan sa Mindanao nguni’t tila wala pa ring malinaw na solusyon. Ang akin lang ipinagtataka ay kung bakit mayroong ibang bansa tulad ng Singapore na napapanatili ang mapayapang pamumuhay kahit na ang mga mamamayan ay binubuo ng iba’t ibang uri ng ethnic groups at iba't ibang pananampalataya.

Taun-taon na lang ay maglalahad ang Pangulong nakaupo ng kanyang report card. Nguni’t sa mga nakalipas na taon hanggang sa ngayon ay patuloy pa rin ang paglangoy ng mamamayang Pilipino kontra sa malupit na agos ng pamumuhay. Umaasang sa malapit na panahon ay makakamit niya ang hinahangad na kasariwaan sa buhay. Para sa akin, di ko pa rin makita kahit na sa susunod pang 50 taon ang pagdating ng tunay na pagbabago. Hangga’t hindi pa nagsusulputan sa bansang ito ang nakararaming maglilingkod sa bayan na isasaisang tabi ang pansariling kapakananan at isasakatuparan ang nararapat na gampanan ay malayong makamit natin ang ating pinapangarap. Samantala, walang pagbabago at tulad ng dati magtitiis pa rin si Juan dela Cruz. Good luck na lang sa ating lahat!

2 comments:

tye said...

Dad, I think you should share this post to more Pinoys.

kakafrustrate kasi para ngang walang effort yung iba nating kababayan, esp. our leaders na ayusin naman ang bansa natin.

Try joining Pinoy blogosphere: http://www.pinoyblogosphere.com/

Re-post mo na lang ito doon para mas marami ang makabasa.

gracia said...

I think that who ever sits in Malacanang, the problem in our country will never be resolve. We can't blame the President or whoever it is, because corruption is the one killing millions of Filipino people. Us for the only thing we should do is to help one another and respect eachother. Election for 2010 is fast approaching and for sure the main goal for them is to corrupt again and let the Filipino suffer. It is assame for us because we vote for those people whom you know will not do good for our country. Not like other country specially Japan. If they made mistakes or they ashamed or what they did, they kill them selves or will resign immediately. Dito hindi eh kung sino pa yung may bad records yun pa ang ibinoboto.Kakahiya talaga tayo sa mga ibang bansa. So please lang mag isip isip na kayo kung sino ba talaga dapat ang mamuno sa atin at ayung karapat dapat lang. Kung hindi baka mas malala pa ang mangyayari sa atin pag dating ng panahon. Let's think about our future and for the future of the coming generations.